WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Ian 3 taon na-depress, sinira ang sarili

Inamin ni Ian de Leon na dumaan siya sa matinding depression na naging dahilan kung bakit lumayo siya sa kanyang pamilya.

Sa kuwento ng aktor sa podcast na Surprise Guest with Pia Archangel, tatlong taon daw na nakipaglaban sa kanyang mental health si Ian at sinira niya ang sarili niya sa mga taong gusto siyang tulungan.

“When I hit rock bottom talaga, I was searching for answers eh. I strayed away from family for a while. I didn’t want to see anyone, I didn’t want to talk to anyone. I didn’t want anyone asking me how I am. I just had that spiraling depression moment in my life where it took me three years to get over it, and it was a really dark and difficult time for me. I forgot about God, I forgot about people who cared for me, people who loved me and I just shut myself off from the world.”

Hindi raw maintindihan ni Ian kung ano ang nangyayari sa buhay niya. Gusto raw niyang humingi ng tulong, pero ayaw naman daw niyang magkuwento sa pinagdaraanan niya.

“What was going on sa buhay ko during that time was I felt so empty and depressed that I couldn’t feel anymore. I woke up one night thinking ‘What is wrong with me? What is going on? What should I do? Who should I go to? Who should I talk to? I don’t want to talk to anyone, I don’t want to see anyone,” diin pa ng aktor.

Pero hindi raw siya sinukuan ng kanyang pamilya. Kahit na lumalayo ang aktor, nanatili silang nasa tabi lang sila sa sandaling kailanganin na nito ang tulong nila.

Nagpasalamat si Ian sa kanyang asawa na si Jennifer Orcine dahil naging matiyaga raw ito sa kanyang pinagdaanang depression.
“But I am so blessed with my wife right now because she stuck with me through those dark times. ‘Di ba nga sabi nila, malalaman mo kung sino ang totoong tao sa’yo at magmamahal sa’yo kung at the very darkest moments of your life, you will see only the people who are there for you.

“I started praying, and I think it was a call during that time. I prayed really hard. I didn’t pray with words, I didn’t pray with any sentences in my thoughts. I just prayed with intentions from my heart. Doon ko na-realize, if you want to communicate with our good Lord, it has to be pure intention and pure from your heart talaga. No words can truly express kung paano mo gagawin ang prayer na iyon.

“It was just like that na all sorts of information, in words, na sinasabi Niya, ‘No one can teach you how to live your life but yourself. If you give up right now, it’s your choice. The power of choice is in your hands. You have to be strong, you have to move on from whatever it is that’s going on in your life right now, you have to move on. Pull yourself back together. I’m here. I’m holding your hand. Look at Me, listen to Me, feel Me in your life.”

Binabahagi ni Ian ang kanyang mga natutunan tungkol sa buhay at kung paano haharapin ang mga problema sa kanyang YouTube channel na “Ian de leon Official.” Mapapanood din siya sa top-rating primetime teleserye ng GMA na Lolong. (Ruel Mendoza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on