WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Ex-Cong Walden Bello dinakma sa cyber libel

Inaresto ng mga awtoridad ang dating Anakbayan Party-list at ex-vice presidential candidate Walden Bello sa kanyang tahanan sa Quezon City kahapon.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director PBGen. Remus Medina, kaugnay ito sa warrant of arrest laban kay Bello dahil sa kasong cyber libel na inihain ng Davao City information officer na si Jefry Tupas.

Samantala, sinabi ni Laban ng Masa spokesperson Leomar Doctolero na hindi na nagulat dahil inaasahan na ni Bello ang pag-aresto sa kanya.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Project 4 Police Station 8 si Bello at hinihintay na lamang ang kanyang abogado upang makapagpiyansa.

Kinasuhan ni Tupas ng cyber libel si Bello matapos siya nitong isangkot sa ilegal na droga. (Dolly Cabreza)