WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Dusa maging dyosa: Heart tubig, chips lang nilafang sa Paris

Pinakita na ni Heart Evangelista sa YouTube channel niya ang pagrampa sa Paris, kung saan dumalo nga siya sa mga fashion show ng iba’t ibang sikat na brand, designer.

Kaiinggitan talaga ng mga Pinoy celebrity, fashion enthusiast, ang mga ganap ni Heart sa Paris, kung saan mistulang diva, o world renowned celebrity ang aktres.

VIP ang ginawang trato kay Heart sa mga pinuntahan niyang shop ng mga brand. Hinatagan, pinilian siya ng mga damit na isusuot niya sa mga fashion show at binigyan din siya ng laya na piliin, i-mix and match ang mga napili niyang damit.

Ginawan ng paraan na sumakto sa kanyang height at body size ang mga gown. Pinadalhan pa siya ng mga bag, accessory, bilang pasasalamat sa pagsuot niya ng kanilang mga item.

Pasabog palagi sa paparazzi ang pagdating ni Heart. Pinakiusapan pa siyang rumampa sa kalye para lang makunan ng larawan.

No wonder kung bakit pumayat nang husto si Heart, dahil tubig, vitamins, chips lang ang nilaklak niya sa araw-araw na activity sa Paris.

‘Yung hawak niyang chocolate chips, pinag-isipan pa nang matagal kung kakainin, na sa huli ay hindi rin nilafang.

Mahihirapan ang mga Pinoy star na mapantayan si Heart sa status niya sa Paris fashion industry. Kailangan munang magpaganda, magpapayat, magpaka-class, media mileage, influence sa mga sikat na brand, bago nila maabot ang naabot ni Heart.

Kulang na lang sambahin si Heart sa mga pinuntahan niyang store dahil sa pasasalamat ng staff na sila ang napili niyang isuot sa mga dadaluhang event.

Dahlia bagong prinsesa ng Siargao

Nakanakaw ng atensyon at korona sa mga anak ni Andi Eigenmann bilang mga Prinsesa ng Siargao, ang only child nina Anne Curtis, Erwan Heussaff, na si Dahlia.

Viral sa social media ang larawan ni Dahlia na pinoste mismo ni Anne sa Instagram. Ito ‘yung nakaupo ang bata sa lamesa at sumisipsip ng buko juice mula sa coconut shell gamit ang straw.

Na-capture ng larawan ang inosenteng awra ng bata na ikinatuwa ng mga netizen.

“Got Buko?” sabi lang ni Anne.

Gandang-ganda kami sa shot lalo’t bumagay ang color ng larawan sa skin color ni Dahlia at sa suot na earth color sando. Naka-choker beads pa ito.

The best photo nga ang comment ng mga netizen.

Kilala ang mga anak ni Andi sa social media bilang mga prinsesa ng Siargao. Pero dahil sa larawang ito ni Dahlia, naagaw talaga sa kanila ang atensyon.

Mahigit 400K like, 1,200 comment na ang post ng photo ni Dahlia, habang sinusulat ito.

Gumaya kina RK, Jane: Bianca, Ruru tandem ang tattoo

Hindi na original kundi gaya-gaya na lang kina RK Bagatsing, Jane Oineza, sina Bianca Umali, Ruru Madrid, na pina-tattoo nila ang pagmamahalan sa kanilang mga kamay.

Masisilip sa Instagram ni Bianca ang shot ng magkahawak nilang kamay ni Ruru. Kinunan nila ito para ipakita ang tattoo nila.

Ang kay Bianca ay dalawang tuldok na mata. Ang kay Ruru ay guhit na naka-smile. Lumabas sa holding hands nila ang smiley icon.

Ang kaibahan lang, sa kani-kanilang hinliliit pinatattoo nina Jane, RK ang smiley icon. Kay Jane ang mga mata o tuldok, kay RK naman ang smile.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on