WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Dottie pang-33, kabig ng P141K

BUMUSLO ng dalawang birdie laban sa apat na bogey para sa pangalawang sunod na araw na two-over par 74 si Dottie Ardina upang humanay sa anim na magkakatabla sa pang-33 pwesto na may $2,549 (P142K) bawat isa sa wakas ng 7th Epson Tour 2022 Leg 14 $335K (P18.7M) 6th French Lick Charity Championship sa French Lick-The Pete Dye Course sa French Lick, Indiana nitong Linggo.

Kasama ang 71-75, tinapos ng Pinay parbuster ang 72-hole, 4-day golfest sa six-over 294, 13-stroke ang layo sa nagreynang si Xiaowen Yin ng China na may 69-281 para sa isang palong panalo kay home bet Gabriella Then na may 74.

Lumagak naman ang kakuwadra sa ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) ni Ardina na si Abegail ‘Abby’ Arevalo sa quadruple-tie sa 39th place para magsubi ng $2,133 (P119K) sa 75-295.

Bokya ang isa pang katropa nilang si Pauline Beatriz Del Rosario at ang pang-apat na bet ng ‘Pinas na si Clarissmon ‘Clariss’ Guce na mga na-cut. (Ramil Cruz)