WebClick Tracer

Saturday, October 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

DonBelle pinagkaguluhan sa New York

Bumida na naman nang husto ang tandem nina Donny Pangilinan, Belle Mariano, at pinagkaguluhan talaga sila sa Times Square, New York City. Nakabalandra kasi sa mga led billboard ang larawan ng DonBelle, sa busy central district doon, na dinayo ng mga Pinoy fan.

Nag-tweet si @dontagala ng larawan ng billboard ng DonBelle.

Walang pinu-promote na anumang projet o brand ang DonBelle. Nagkataong mayaman lang talaga ang mga fan nila, at walang pakialam na naglustay ng dolyares para lang ipangalandakan sa NY ang mga idol nila.

“#DonBelle billboard at Times Square NYC courtesy of Mommy Bang with the help o Titas of #DonBelle. The #DonBelle billboard goes up every 5 mins or so until 10pm today,” sabi pa sa tweet.

Second time na itong led billboard ng DonBelle sa NY, na ang una ay noong 2021.

Pabonggahan ang mga fan club para palakasin ang kanilang mga idol. Umabot na sila sa mga billboard ad sa abroad.

At panalong-panalo ang DonBelle, ha! (Rey Pumaloy)