WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Chynna nasiko boobey, napraning sa cancer

Blessing in disguise pa na maituturing ni Chynna Ortaleza ang aksidenteng pagkakasiko ng kanyang anak sa suso niya. Nagpatuloy kasi ang pananakit nito kaya ikinabahala ito ng aktres.

Agad nga siyang tumakbo sa isang clinic na espesyalista sa mga sakit sa suso.

Sa post ni Chynna sa Instagram, makikitang nakasuot siya ng hospital suit at sinabi nga niyang nasiko ng kanilang anak na lalaki ang kanyang boobs.

“When your baby boy’s painful elbow drop to your right boob turns out to be a blessing,” panimula ni Chynna.

“After a week of breathtaking contractions to my right breast, I have decided to ask my OB Doc Sally to allow me to do a breast ultrasound,” sey pa ng aktres.

Siyempre nga naman, nakaka-praning para sa isang babae kapag sumasakit ang kanyang dibdib.

“The pain is due to trauma but guess what, we found breast nodules,” kuwento niya.

Madalas daw na tumutubo ito nang hindi napapansin ng mga kababaihan. Pinayuhan siyang magpatuloy pa sa pagpapa check-up hanggang sa mawala ito sa kanyang suso.

Mabuti na lang daw at hindi ito breast cancer.

Naging aral para sa kanya na palaging pakiramdaman ang katawan dahil ‘ika nga, health is wealth. Lalo na sa panahon ngayon.

Pinangako ni Chynna na magiging proactive na siya at magkakaroon pa lalo ng healthy lifestyle.

Pinayuhan din niya ang mga kababaihan na palaging magpa-check up ng kanilang mga dibdib. (Batuts Lopez)