WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Binida mga alahas: Annabelle ayaw pakabog kay Imelda

All out ang suportang ibinigay ni Annabelle Rama sa pelikulang “Maid In Malacañang” to the point na maging ang kanyang mga mamahaling alahas, pinahiram niya!

Ang anak nga niya kasing si Ruffa Gutierrez ang gumanap bilang dating First Lady Imelda Marcos. Siyempre pa, kapag sinabing Imelda, aba’y hindi puwedeng walang mga mamahaling alahas.

“Darryl, ang alahas ni Ruffa dapat pakabog! Imelda Marcos ‘yan! Ayoko mapahiya kay Senator Imee kaya piktyuran mo ‘yung mga alahas. Kaya kong gawan ng paraan ‘yan.

“So ang mga makikita niyo po roon ay mga alahas ni Annabelle Rama. So bahagi siya ng pelikulang ito,” kuwento ni Direk Darryl Yap during a presscon.

Sobrang invested nga raw si Tita Annabelle sa “MIM” na akala mo isa siya sa mga producer. Nagfi-film review rin daw ito para mas ma-promote ang movie na ito.

Hindi naman siya lugi, dahil as of this writing (Sunday), nakaka-P100 million na ang kinita ng “MIM” and counting. (Batuts Lopez)