WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Bebot nagnenok ng motor, dinampot

Binitbit sa presinto ang isang 28-anyos na babae matapos itong maaktuhan habang sakay ng ninakaw niyang motorsiklo sa Bayombong, Nueva Vizcaya noong Linggo.

Naagapan ng mga awtoridad na tuluyang matangay ng suspek na si Jennicar Trixie Paderes, ng Barangay Dila, Sta. Rosa, Laguna ang motorsiklo nang maabutan nila itong patakas ganap na alas-11:00 ng umaga sa Purok 3, Barangay Masoc Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ayon sa ulat ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, unang nagtaka ang mga residente sa lugar dahil sa nakaparadang motor sa harap ng bahay ng kapitbahay nilang si Felamie Christy Abella.

Dahil dito kung kaya’t tumawag sa pulisya si Abella at ini-report ang kahina-hinalang sasakyan na nakaparada sa kanilang lugar.

Una rito’y nagtungo sa Nueva Vizcaya Provincial Highway Patrol Team (NVPHPT) si John Anthony Legaspi, ng Barangay, Buyabuyan, Lagawe, Ifugao para i-report ang pagkawala ng kanyang motorsiklo na tumugma sa ninakaw ng suspek.

Agad na inaresto si Paderes nang mabigo itong magpakita ng patunay na pag-aari niya ang nasabing sasakyan.