WebClick Tracer

Saturday, October 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Bahay ni Jaya sa Tate natupok ng apoy

Sa kabila nang natupok ng apoy ang bahay ng singer na si Jaya sa U.S., at base sa caption niya at sa picture na ipinost niya, nasunog ang bahay nila nang buong-buo, nagpupuri at nagpapasalamat pa rin siya sa Diyos.

Mas tiningnan ni Jaya ang positive side sa kabila ng nakalulungkot na pangyayari. Na safe pa rin silang buong pamilya.

Para kay Jaya, bahay o mga materyal lang ito, na hindi matutumbasan kung may buhay na mawawala.

Sabi nga niya, “God is so good! Our house just burned to the ground but we are all safe! I have no words but GOD IS GOOD!!!”

Marami na rin pagsubok na pinagdadaan si Jaya even before na magdesisyon siya na sa U.S. na manirahan. Pero ‘yun nga, inspiring din ang ipinapakita niyang katatagan.

Ilan sa mga celebrity na nagulat sa ipinost niya at nag-wish na sana ay okay sila, ay si Sharon Cuneta, at nagsabing, “Oh my gosh Iyay!!! Oh dear God… I am so so sorry but praise God you are all safe.”

Si Ogie Alcasid naman, “Guys!!!!! Oh my goodness. Praise God you are ok.”

Ganun din sina Tom Rodriguez, Amy Perez, Mark Bautista, Maricris Garcia, Janice de Belen, Heart Evangelista, Pops Fernandez at marami pang iba. (Rose Garcia)