WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Anyare na kay Paulo? Janine natomboy, umaming na-in love kay Lovi

Ang sarap-sarap tingnan nina Lovi Poe, Janine Gutierrez, na nagtititigan, naglalambingan, na puwede mo ngang isipin na magdyowa sila, kung hindi mo talaga sila kilala (Pero sino ba ang hindi nakakakilala sa kanila sa Pilipinas, di ba?).

Ang tamis-tamis kasi ng tawanan nila. At kaaliw rin panoorin kung paano minsan napapahimas si Janine sa mga hita ni Lovi sa presscon ng ‘Sleep with Me’ na mapapanood sa iWantTFC.

At si Janine mismo, umamin na na-in love talaga siya kay Janine habang ginagawa nila ang ‘Sleep with Me’, ha!

“May time talaga, na feeling ko, nai-in love ako kay Lovi.

“Kasi I really wanted to like, get closer to her. I love Lovi. I’m a fan.

“And I want her to know that I’m here for her,” sabi ni Janine.

Iba nga raw kasi ang sitwasyon kapag masaya sila sa taping, kaya gusto niya na kasundo niya agad ang kaeksena niya.

“Yeas, Mas masaya kapag magaan ang loob niyo sa isa’t isa.

“Ako talaga, gustong-gusto ko na mahalin ako ni Lovi. Noong nag-birthday siya during the lock in, I ordered a gift na parang friends merch (merchandize), coz I know…” kuwento ni Janine na biglang nahinto, dahil hirit ni Lovi, “Kilig na kilig ako noon!”

“Pero parang natotorpe ako, coz I don’t know kung paano ibibigay sa kanya. Shucks, I’m shy! Nahihiya ako!” sabi ni Janine na parang nagbibinata nga na ngayon lang nagkagusto sa babae.

“Kilig na kilig ako. Napatili ako when I open it! Sabi ko, oh my God! Magaling siyang pumili. Pasado siya!” sabi naman ni Lovi.

“Kinikilig talaga ako. At some point, nararamdaman ko na talaga, when I’m becoming Luna (character niya sa ‘Sleep with Me’), naku-conscious na ako pag titigan si Janine sa mga mata.

“Parang very confident siya na…Di ba, kapag may crush ka, parang awkward ka, hindi ka makatingin. So, parang ganun ang naramdaman ko!” chika naman ni Lovi.

So, paano pa ang naging eksena sa matinding halikan nila? Well, kuwento nga ni Direk Samantha Lee, ang lampungan nina Janine at Lovi ang unang kinunan, na hindi pa nga masyadong gamay, kampante ang isa’t isa, napasabak na agad sa matinding love scene, ha!

“Love scene muna ang na-shoot namin before this (kissing scene),” kuwento ni Direk.

“Every scene, ini-explain ko sa kanila lahat. Pati ilaw, ito ang angle. So alam nila kung ano ang nangyayari,” sabi pa ni Direk.

So, hindi sila nagkailangan sa intimate scene, kahit mas nauna yon kunan?

“Nice thing about that, ‘yung pagkasulat niya, hindi scandalous love scene. It felt so real. Merong shyness. Merong awkwardness.

“I feel so honored, I was chosen to be part of this project. More than anything naman kasi it’s a love story. Natatawa lang ako pag sinasabi na matapang ako.

“I owe it to Lovi, coz she made me feel comfortable. Walang gulatan. You feel safe,” sabi na lang ni Janine.

Bongga, di ba? Ayaw ni Paulo Avelino ng ganiyan, ha!

Gabbi nanganib buhay sa ‘Love You Strainger’

Magtatapos na nga sa August 11 ang ‘Love You Stranger’ nina Gabbi Garcia, Khalil Ramos, na handog ng GMA Public Affairs.

“It will be more and more exciting. Abangan niyo na kasi mayroong hindi inaasahang mangyayari sa finale week ng ‘Love You Stranger’ na kahit ako, personally, nawindang noong nabasa ko ‘yung last week na script. So I’m really excited for the reaction of the viewers,” sabi ni Gabbi, ang gumaganap bilang si LJ.

“Last four days na ng Love You Stranger at naiwan tayo nung Thursday with quite a few questions pa. Abangan nila kung paano mangyayari ang pagtatapos ng Love You Stranger, ang napakalaking finale. Mayroong mangyayari na malaking magbibigay talaga ng pagbabago sa buhay ng lahat ng characters,” sabi naman ni Khalil.

Sa finale week nga ay malalaman na kung bakit biglang nawala si Coleen sa gabi ng Lilom festival.

At bigla ngang malalagay ulit sa alanganin ang buhay ni LJ, dahil sa pag-unlock niya mystery behind the secret door sa library ng Dela Paz mansion.

Sino ang matitirang buhay? Abangan!

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on