WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Antipolo bibira sa ‘Tatluhan’

NAKATAKDANG tumulak ng piyesa ang Antipolo City, Rizal team woodpushers sa Tatluhan Chess Team Tournament sa General Santos City na magsisimula sa Seteymbre 2.

Kabilang sa nagsaad ng pagsali sina FIDE Master Christopher Castellano, Candidate Master Genghis Katipunan Imperial at DepEd Teacher Sonny Dela Rosa.

Nagpasalamat naman ang team manager ng Rizal team sa suporta ng kanilang mayor sa Antipolo at gobernor ng Rizal.

Susulong din ng piyesa ang isa sa kalahok na si Castellano sa South Island Chess Championships sa Oktubre 5 sa New Zealand. (Elech Dawa)