WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Aftershock sa Luzon quake pumalo ng 3,200

Pumalo na sa 3,200 ang aftershock na naitala sa ilang lugar sa Northern Luzon matapos ang malakas na lindol na sumentro sa Tayum, Abra noong Hulyo 27.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapagtala ang kanilang mga monitoring station ng kabuuang 3,235 aftershock na may lakas ng mula 1.4 hanggang 5.1 magnitude.

Anila, 63 sa mga ito ang naramdaman sa ilang lugar sa nasabing rehiyon.

Matatandaang naramdaman maging sa Metro Manila ang epekto ng malakas na pagyanig na gumimbal sa Northern Luzon bandang alas-8:43 ng umaga noong Hulyo 27.

Sinabi ng Phivolcs na isa ang Northern Luzon sa ‘seismically active region’ sa bansa dahil sa mga aktibo fault line dito kabilang ang mga northern segment Philippine Fault, Abra River Fault, West Ilocos Fault System at Nag­libacan Fault.

Bukod anila pa rito ang mga local fault na maaaring natabunan ng mga deposito ng bulkan na posible ring pagmulan ng mahihina hanggang malalakas na lindol.