WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

40 taong kulong sa vote buying tinulak

Isinulong ng isang kongresista ang panukalang magdedeklara na isang heinous crime ang vote buying at patawan ito ng parusang 20-40 taon kulong.

Naniniwala si Malasakit at Bayanihan Rep. Anthony Golez Jr. na ang mabigat na parusa na ipinapataw ng House Bill 1709 ay magbibigay ng malakas na mensahe sa mga nais na manalo sa pamamagitan ng pagbili ng boto.

Sa ilalim ng panukala, 20-40 taong kulong, hindi bababa sa P5 mil¬yong multa at perpetual disqualification sa paghawak ng posisyon sa gobyerno ang parusa sa kandidato na bibili ng boto gamit ang pera o anumang bagay na may halaga o pangakong trabaho o kontrata.

Kulong na 12-20 taong kulong naman ang parusa sa mga bibili ng boto para sa sinusuportahan nitong kandidato.

Ang mga mapapatunayang nagkasala ay hindi na rin maaaring maging miyembro ng anumang partido politikal o party-list group na nagpaparehistro sa Commission on Elections o Securities and Exchange Commission. (Billy Begas)