WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

15M YT subscriber na: Ivana namigay ng datung, pagkain sa mahihirap

Share the love nga ang peg ng isa sa pinakasikat na YouTube vlogger sa bansa na si Ivana Alawi nang ma-reach na niya ang 15 million subscriber ng kanyang channel.

Actually, may ilang days na rin nang maabot niya ito, pero hinintay pa niya na makalipat sila sa bagong bahay bago magbigay ng balato sa kanyang na-achieve.

Sa latest vlog ng seksing aktres, ipinakita niya ang paghahanda ng kanilang team.

Hands on na nag-prepare si Ivana ng mga ipamumudmod sa mga less fortunate. Napili niyang mamigay ng pera (P150 each), delata, bigas, champorado na siya mismo ang nagluto, at beauty products sa ilang lugar sa Quezon City.

Target niya sana na maka-15K eco bags na puno ng relief goods, pero dahil sa sobrang pagod ay naka-8K lang sila.

Kitang napuno ang isang trak ng mga relief goods para sa mga babalatuan ni Ivana.

Partikular na personal siyang namigay sa lugar kung saan nakatirik ang mga barong-barong malapit sa riles ng tren.

Kaytamis ng mga ngiti ng mga residente roon ng maabutan ng tulong ni Ivana, mapa-bata man o matanda. Masaya ring nakipag-selfie ang aktres sa mga taga-riles.

Sa dami nga raw ng ipinamigay ni Ivana, 3 days silang nagre-repack at dalawang truck ang pinuno nila ng goodies. Ang generous, ha!

Utang na loob raw ni Ivana sa kapatid na si Mona Alawi ang kanyang success dahil siya ang nagpilit sa kanyang ate na mag-vlog.

Nalalapit na rin ang debut ni Mona, kaya ngayon pa lang ay todo bakod na si Ivana rito.

Tinapos nila ang naturang vlog sa pagkain ng talong. Kung maaalala, sa pagmu-mukbang sila nag-umpisa as vlogger.

Kung hindi raw dahil sa kanyang pagba-vlog, baka dakilang tambay lang ngayon si Ivana. (Batuts Lopez)