WebClick Tracer

Friday, October 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Totoo ang chismis – Skusta Clee

“Totoo ang chismis, but it’s none of your business.”

‘Yan ang mga linya sa pinakabagong music video upload ng Ex-Battalion na kabilang sina Skusta Clee, King Badger, Flow G, Brando, Emcee Rhenn at iba pa.

Pinamagatan ng popular rap group sa bansa ang bago nilang single na “Chismis”.

Mistulang sagot na nga nila ito sa mga tsismosong laging kinakabit ang kanilang mga pangalan sa kung ano-anong isyu lalo na sa pagiging mga babaero.

“PS: Do not believe rumors but totoo ang chismis,” ayon pa sa naturang music video.

Agad na umani ng daan libong views ang “Chismis” sa unang araw pa lamang ng pag-upload nitong Biyernes.

Recently, nadawit si Skusta Clee sa kontrobersiya sa isang Raval. Mainit din ang mata ng mga netizen sa kanya dahil sa hiwalayan nila ni Zeinab Harake.

Si Flow G naman ay mina-marites na babaero umano kahit may dyowa na ito na si Angelica Yap aka Pastillas Girl.

Kinasuhan naman ng ‘concubinage’ ni Jelai Andres si King Badger.

Pero siyempre, tuwang-tuwa naman ang mga fan ng Ex-Battalion na may bago na namang kanta ang grupo. Meaning, tuloy pa rin sila sa pag-arangkada kahit na isinasangkot sa mga tsismis. (Batuts Lopez)