WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Sobrang marespeto Alden pinahanga mga lola sa Cebu

Pinupuri ang mag-amang Alden Richards at Richard Faulkerson, Sr. o kilala sa social media na “Daddy Bae” dahil sa video post niya.

Binahagi ni Daddy Bae ang video kung saan binate, nagmano si Alden sa isang matanda sa isang restoran.

May kung anong ibinigay na barya kay Alden ang matandang nakaupo. Matapos itong tanggapin ng aktor, nagbigay galang ito at nagmano.

Pitong segundo lang tumakbo ang video pero naging malakas ang impact nito sa mga netizen, lalo na at nilagyan ito ng caption ng tatay ng Kapuso star na, “Giving respect to elders.”

Bumilib ang mga netizen sa kabaitan ni Alden.

@urmyflashlight, “You brought him up well. DB. You should be proud of how Richard is, much more than what Alden has received. Proud po ako to look up to him.”

“So proud of you po Daddy Bae you’re so Blessed to have kids na Mabait and So Kind to others God bless you abudantly Faulkerson’s family.”

‘Katips’ planong tsugiin sa mga sinehan

Pinapauso ni Ruffa Gutierrez sa social media (Twitter, Instagram) ang hashtag na #MagnanimousinVictory, na may kinalaman sa box-office record ng “Maid in Malacanang”.

“Woke up to a landslide victory! P100 Million gross to date! Isang landslide na pasasalamat sa lahat ng sumuporta at tumangkilik sa Maid in Malacanang. Tunay na victory ito ng Philippine Cinema! See you at the movies this weekend!” sabi ni Ruffa, kasunod ang hashtag na #MagnanimousinVictory.

“Worth the pagod and puyat kasi box office hit at successful ang pelikula! Wahhhh! I’m actually enjoying my teased hair ang playing Madame Imelda Marcos. Should I keep this look? Hehehe,” say pa ni Ruffa kalakip ang larawan niya sa karakter ni dating First Lady.

Siyanga pala, may chika na nanganganib mabakbak sa ibang mga sinehan ang “Katips” para ibigay sa “Maid in Malacanang”.

Vice Ganda namangha sa kaguwapuhan ni Cha Eun Woo

Parang nakakita ng anghel si Vice Ganda sa katauhan ng Korean star na si Cha Eun Woo. Hindi makapaniwala si Vice sa kaguwapuhan ng Korean star, na ipinagsigawan niya sa Twitter.

“Grabe si Cha Eun Woo!!! Sobrang ganda ng fez! Pakpak na lang kulang anghel na! Malala!” sabi ni Vice.

Nag-meet and greet nga si Cha Eun Woo sa Araneta Coliseum kamakailan. Tinukso si Vice ng mga fan niya na kesyo nakipagsiksikan siya para makita ng personal ang Koreano.

“Memeeee I see uuuu hahaha!” sabi ng fan kay Vice.

Nakunan naman ng photo si Vice ni @vvdplum na nasa bleacher at naka-Korean sign pa.

Endorser ng Front Row si Vice kaya nabigyan ng magandang lugar sa meet and greet.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on