WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Severino, ibang kasama bayaning sasalubungin

ISANG grand heroes’ welcome mula sa Philippine Paralympic Committee at Philippine Sports Commission ang naghihintay sa matagumpay na national para team na kumampanya sa natapos noong Biyernes na 11th ASEAN Para Games sa Surakarta, Indonesia.

Maliban sa wheelchair basketball squads, karamihan sa delegasyon mula sa 11-nation, 10-day biennial sportsfest, bababa sa Centennial (Ninoy Aquino International Airport Terminal 2) sakay ng Philippine Airlines chartered flight.

Bibigyan ng red-carpet treatment ang mga differently-abled athlete ng mga opisyal na sina PPC president Michael Barredo at PSC Commissioner Olivia ‘Bong’ Coo at OIC Atty. Guillermo Iroy, Jr. na nag-alay ng kanilang pagbati para sa pumanlimang Team ‘Pinas na may all-time high 28-28-47 ginto-pilak-tansong mga medalya.

Ito’y sa kabila na nakipagkumpitensya lang ang mga Pinoy sa 14 na disiplina at binuo ng 144 para athletes. Nilampasan nito 24-24-26 noong 2009 at 2020-29 noong 2017 parehong sa Kuala. Lumpur. (Lito Oredo)