WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Rider bumulusok sa kamatayan

Patay ang isang food panda delivery rider matapos itong sumalpok sa road warning sign ng ginagawang kalsada sa Barangay Alangilan, Batangas City nitong Linggo ng madaling-araw.

Ayon sa report ng Batangas City police, pauwi na sa Taysan, Batangas ang 41-anyos na si Christian De Guzman nang bumangga ito sa signage bago nahulog sa hukay ng ginagawang road reblocking bandang ala-1:30 ng madaling-araw.

Isinugod ito sa ospital pero idineklaramg dead on arrival dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan. (Ronilo Dagos)