WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Pinay clouters No. 3 sa world

PUMANGATLO ang Team Pilipinas na kinakatawan ng Bago City sa 2022 Junior League Softball World Series nang bokyain ang West, 3-0, nitong weekend sa Kirkland, Washington.

Sumalto sa trono ang mga Pinay clouter nang isuko ang 4-6 na desisyon sa Southeast sa kabila ng impresibong pitching ni Althea Key Palzario.

Pinangunahan nina Layla Peppers at Eason Davis ang mga Amerikano sa pag-outrun sa mga batang Pinay na maagang naiwan sa 0-3, sa unang inning.

Hindi naman ito masamang performance para sa Bago dahil umabot ito sa semifinals matapos itaob ang Southwest, 6-0, sa quarterfinals. (Lito Oredo)