WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Obiena nagtanso sa Poland

IPINAGPATULOY ni 2020+1 Tokyo Olympian pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena ang kahusayan nang angkinin ang tansong medalya sa 2022 Kamila Skolimowska Memorial Tournament Sabado ng gabi sa Slaski Stadium sa Chorzow, Poland

Dalawang linggo ito matapos ang makasaysayang unang bronze rin ng bansa mula sa kanya sa 18th World Athletics Championships 2022 sa Eugene, Oregon.

Lumundag ang 25-anyos na tubong Tondo ng 5.73 metro, may kalayuan lang sa personal best at Asian record niyang 5.94m.

Ang kasalukuyang Olympic champion at world record holder na si Armand Duplantis ng Sweden ang sumungkit ng ginto sa bagong meet record na 6.10m .

Nakamit din ni Norwegian Sondre Guttormsen ang pilak sa 5.73 din via countback win laban sa Pinoy bet. (Lito Oredo)