WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Napilitang maghubad Diana 10 beses niligwak ng ABS-CBN

Nag-open up ang dating sexy star na si Diana Zubiri ng kanyang life story mula pagkabata, pagpasok sa mundo ng showbiz, at estado ng kanyang buhay ngayon.

Nag-upload ang aktres ng video sa kanyang Facebook page at inumpisahan ito sa pagkukuwento sa mga pinagdaanan niya sa umpisa ng kanyang career.

“Aaminin ko po. Mula Star Circle 1 hanggang 10, ako po ay nag-apply! Pero naligwak ang lola niyo,” pagbubunyag pa ni Diana.

Nawalan na umano siya ng pag-asang maging artista dahil dito.

Naranasan din daw niyang maging extra sa mga show. Dumating sa puntong wala nang kumukuha sa kanya kaya naisipan na lang ni Diana na maging dancer sa Japan.

Bago pa man siya makalipad, na-discover siya ng Seiko films. Pero ang catch, kailangan niyang maging sexy star.

“Sabi ko, kaya ko ba? Sa isip ko talagang gustong-gusto ko,” kuwento pa niya.

Pinipigilan umano siya ng kanyang ina dahil masyado pa siyang bata that time (16 anyos) ngunit sinuway niya ito.

Tinangkilik man siya ng madla bilang sexy star, parang may kulang pa rin at hindi siya kontento.

Nang maging semi-regular na siya sa “Eat Bulaga” ay doon naramdaman ni Diana na artista na talaga siya.

Tinuturing niyang full turn to stardom ang kanyang pictorial noong 2002 para sa FHM magazine sa isang flyover sa Mandaluyong nang naka-red two piece na talagang hanggang ngayon ay nakatatak na sa mga Pinoy.

Kaaliw din ang kuwento niyang pumayag siya sa pictorial sa kondisyon na bibigyan siya ng pinakaunang cellphone noon na may camera at siyempre, mamahalin.

Nakilala rin si Diana sa pagganap bilang Danaya sa fantaseryeng “Encantadia” ng GMA.

Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa Seiko, FHM, GMA-7 sa napakalaking tulong sa kanyang showbiz career.

Sa ngayon, nasa Australia si Diana kasama ang asawang si Andy Smith at mga anak.

Babalik pa umano siya sa Pilipinas dahil gusto pa niyang ituloy ang career. May isinasaayos lang umano siyang papeles para na rin sa kapakanan ng kanyang mga anak.

“Hindi ko iiwanan ang showbiz. Aaminin ko po. Ang showbiz ang nagpaganda ng buhay ko. Utang ko sa showbiz ang lahat ng kung anong meron ako ngayon at meron ang pamilya ko,” dagdag pa ng aktres. (Batuts Lopez)