WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante KARTADA

Malditang mambabatas nilayasan ng mga staff

Sino raw itong mambabatas ang nilayasan ng ilan niyang staff dahil hindi makayanan ang masamang ugali lalo na kung tinotopak ito?

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na apat na staff ang latest na umalis na sa poder ng malditang mambabatas na ito – dalawa mula sa legis at dalawa naman sa media team.

Matagal nang plano ng mga staff na ito na layasan ang kanilang amo dahil sa hindi maayos na pagtrato sa kanila. Alipin daw kasi ang turing sa kanila ng kanilang boss at madalas silang bulyawan kapag hindi nagustuhan ang trabaho ng mga ito, kulang na lamang ay tusukin sila ng baba nito.

Bukod sa ‘sabunan na walang banlawan,’ nilalait din ng mambabatas ang napapagdiskitahang staff kaya umiiyak na lamang sila sa isang sulok.

Masyado raw kasing naniniwala ang mambabatas na ito sa sulsul ng kanyang mga sipsip na alipores at kapag tinopak bigla na lang nitong sasabihan ang mga ito na hanggang a-kinse o hanggang katapusan na lang ito sa kanilang trabaho. Salbahe ‘di ba?

Pintahan n’yo na. Hindi pa natatapos sa kanyang unang termino ang lady solon na ito pero halos kalahati na ang nag-resign sa kanilang trabaho. May letrang M ito sa kanyang apelyido, as in “maldita”.