WebClick Tracer

Monday, October 3, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

‘Maid in Malacañang’ naka-P100M na

BEVERLY HILLS, CA. — Alam mo, Dondon (my dear editor), puyat-puyatan ako since Wednesday dahil naka-monitor ako sa Viber chat group ni Direk Darryl Yap, ng cast ng ‘Maid in Malacañang’ sa pangunguna nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo, Kyle Velino, Kiko Estrada, ng mga taga-Viva Films at iba pa.

Ang saya-saya ng mga kasama sa chat group na ‘yon dahil lahat ay sobrang happy sa malaking tagumpay ng first day showing ng ‘Maid in Malacañang’.

Lahat sila ay naka-monitor sa mga picture na ipinapadala sa mahahabang pila sa mga takilya ng mga sinehan kung saan palabas ang pelikula tungkol sa last 72 hours ng pamilya Marcos sa loob ng Malacañang Palace noong February 1986.

Lahat ng mga kasama sa chat group na ‘yon ay nagbubunyi kapag nalalamang sold out na ang tickets sa ilang mga sinehan at ang haba-haba pa nga ng pila ng mga gustong manood.

Sina Direk Darryl, Karla, Beverly at Kyle ay nagkita-kita rin sa Trinoma Cinema sa Quezon City at sabay-sabay silang nanood ng ‘Maid in Malacañang’.

Tuwang-tuwa sila sa magandang feedback ng mga tao sa loob ng sinehan. Marami ngang lumapit sa kanila para mag-congratulate. Sabi nga ni Karla, nakatataba ng puso. Bongga!

In fairness, sa mga mall, hindi lang sa iisang sinehan palabas ang ‘Maid in Malacañang’. May iba na dalawa hanggang tatlong sinehan ang pelikula ni Direk Darryl, pero naso-sold out pa rin ang tickets sa bawat screening!

After nga ng first day ay mga nag-post nga na, “Philippines cinema is back!” dahil sa sobrang pagtangkilik sa ‘Maid in Malacañang’.

Congratulations!

Ang nanay ni Ruffa na si Annabelle Rama, kaliwa’t kanan din ang pagpo-post tungkol sa tagumpay ng ‘Maid in Malacañang’.

Excited din si Bisaya nang lumipad sila pa-Cebu City noong Saturday para sa red carpet premiere sa lugar na ‘yon ng ‘Maid in Malacañang’.

Balwarte ni Bisaya ang Cebu City, kaya hindi puwedeng hindi siya sumama, huh!

Expected din siyempre si Bisaya ng pinsan niyang si Mayor Mike Rama, kaya go siya roon.

Siyempre pa, nakakadagdag din si Bisaya sa ningning ng event na ‘yon ng ‘Maid in Malacañang’ sa Cebu City!

Lumabas nga si Bisaya with Ruffa and Karla kasama ang mag-asawang Joel at Carla del Prado at si Mayor Mike para i-celebrate ang malaking tagumpay sa Cebu City ng ‘Maid in Malacañang’.

At mukhang nasobrahan si Bisaya sa saya dahil nag-extend pa siya. Hindi siya sumama kay Ruffa pauwi ng Maynila kahapon. Dahilan niya, dederetso naman kasi ng Laoag City ang grupo ng ‘Maid in Malacañang’ kaya nagpaiwan siya sa Cebu.

“Monday night pa ang uwi ko ng Maynila,” sey ni Bisaya.

Pagkatapos ng Saturday screenings, nag-announce ang Viva Films na naka-more than 100 million pesos na ang kinita ng ‘Maid in Malacañang’ sa takilya.

So bongga!