WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Jordan, Cards alpas sa Yanks

BINOKYA ni Jordan Montgomery ang dating teammates sa loob ng five inning at inungusan ng St. Louis Cardinals ang New York Yankees 1-0 sa 147th Major League Baseball 2022 regular season game sa Sabado ng gabi.

Sa likod ng nag-iisang run ni Nolan Arenado, ipinatikim ng Cards (59-48) ang season-high fourth straight loss ng Yanks (70-38) sa Busch Stadium sa Missouri.

Sa trade deadline noong isang linggo, nakuha ng St. Louis si Montgomery mula New York. First start niya sa Cards laban pa sa dating team.

“It’s tough to throw against a team you just left,” ani St. Louis manager Oliver Marmol. “He had nine ground ball outs. A really good job by Jordan.”

Nagbigay si Montgomery ng two-hit at isang walk, may isa ring strikeout bago nilabas makalipas ang five inning dahil sa cramps.

“Seeing him in red was a little different,” ani Aaron Judge. “It was a little funky.”

Dalawang runner ng New York lang ang nakarating hanggang second base. (Vladi Eduarte)