WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Humidor rumatsada

SINILAYAN ng mga karerista ang husay ni Humidor sa rektahan nang manalo sa Philracom (Philippine Racing Commission) Rating Based Handicapping System na nilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite Linggo ng hapon.

Hindi nakialam si Humidor sa unahan, hinayaan lang na mag-ubusan ng lakas ang matutulin sa largahang sina Excavator, Sagitsit, Navy Cut at Classic Gee.

Nang makatiyempo, humagibis na siya pagsungaw ng rektahan. Nagbabakbakan sina Sagitsit at Navy Cut sa unahan nang ungusan sila ni Humidor sa huling 100 metro.

Sinakyan ni veteran jockey Jeffrey Bacaycay, tinawid ng nagwaging kabayo ang meta na may dalawang kabayong agwat sa pumangalawang si The Prize Is Yours.

Nilista ni Humidor ang 1:01.8 sa 1,000-meter race upang ibulsa ang added P20K prize para sa winning connection at karaagdagang P5K para sa may-ari ng kabayo.

Temersero sa si Sagitsit, pumang-apat si Navu Cut at pumanlima si Avenue Shopper sa event na suportdo ng Philracom sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. (Elech Dawa)