WebClick Tracer

Saturday, October 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Higit $2B niluwa ng BSP sa utang, panggastos

Mahigit $2 bilyon (P112 bilyon) ang nabawas sa kaban ng dolyar, ginto, at iba pang foreign currency na pinangangalagaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong Hulyo.

Sabi ng BSP, ang gross international reserves (GIR) o ang kaban nito ng dolyar ay nasa $98.8 bilyon na lamang nitong Hulyo kumpara sa $100.9 bilyon noong ka¬tapusan ng Hunyo.

Ayon sa BSP, nabawasan ang kaban nito dahil kinuha ng national government ang ilang dolyar na nilagak nito sa BSP para bayaran ang mga utang sa ibang bansa at tustusan ang mga gastusin nito.

Dagdag ng BSP, bumaba rin ang GIR dahil nagmura ang presyo ng ginto sa international market kaya bumaba ang halaga ng gintong pinanghahawakan nito. (Eileen Mencias)