WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Denden banas sa mga fan

Iritable si Dennise Michelle Denden’ Lazaro-Revilla sa mga tagahanga ng kanyang teammate na si Deanna Wong, na aniya ay nakakaistorbo sa warm up ng Choco Mucho bago ang kanilang laro.

Sa kanyang Kumu account nitong Sabado, naglabas ng kanyang sentimyento ang 30 taong-gulang na libero ng Flying Titans patungkol sa mga tagahanga ng kakampi na regular na nanonood ng 5th Premier Volleyball League Invitational Conference kung saan sumabblay ang tropa sa Final Six.

Ayon pa sa balibolista, dehins na laro ang pinupuntahan ng mga fan kundi si Wong na lang, na ayon sa kanya ay nakakaalarma na.

“It’s kinda concerning for me that, are they there because they wanna see Deanna? Or are they there to watch volleyball? Like OK lang sa akin if it’s not with Choco Mucho, if it’s not for my teammates, but I hope you’re there to watch the game,” giit niya. (Annie Abad)