WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

DBM, Finance pinadiskarte sa DSWD pensyon

Umapela si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM) na magdoble-kayod upang maibigay na ngayong taon ang dagdag na pensyon sa mga mahihirap na senior citizen.

Kasabay nito ay nanawagan din ni Villafuerte sa kanyang mga kapwa mambabatas na tiyakin na mayroong sapat na pondo para sa pagpapatupad ng P1,000 buwanang pensyon sa susunod na taon.

“It will be too bad if RA 11916, which Malacañang has allowed to lapse into law, will end up being a great but unfunded program because the DOF and DBM had failed to identify funds for its implementation, even if indigent senior Filipinos are among the sectors in dire need of state subsidies to help them cope with soaring commodity prices and palliate the economic scarring caused by COVID-19,” sabi ni Villafuerte na isa sa may-akda ng panukala.

Ang RA 11916 ay nag-amyenda sa Senior Citizens Act (RA 7432) at sa Expanded Senior Citizens Act (RA 9994).

Ipinunto ni Villafuerte na maging ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Social Welfare and Development at National Economic and Development Authority (NEDA) ay sumusuporta sa pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na pamilya upang maproteksyunan ang mga ito sa mataas na presyo ng bilihin.

Kakailanganin ng gobyerno ng P50 bilyon para mapondohan ang P1,000 buwanang pensyon ng mahigit 4 mil¬yong senior citizen at dagdag na pondo upang maisama ang mga nagdiwang ng kanilang ika-60 kaarawan ngayong taon at ang iba pa na hindi pa nakapapasok sa programa kahit matagal ng naging senior citizen.

Bukod sa pagdoble sa pensyon, nakasaad sa bagong batas ang pagbibigay ng tax deduction sa mga kompanya na mageempleyo ng mga senior citizen.

Inililipat din ang mandato ng pagbibigay ng social pension sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) mula sa DSWD, ayon kay Villafuerte. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on