WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Couple goals! Magdyowa top 1 sa LET

Relationship goals ang nakamit ng magdyowa mula Mindanao na nag-top 1 sa Licensure Examination for Teachers (LET) para sa secondary at elementary level.

Ibinida ng Falculan Twin’s Review Center na numero uno sa LET secondary level si Marvin Nillas habang top one sa elementary level ang jowa niyang si Charline Juntilla.

Si Nillas, na graduate ng BSED-Mathematics, ay nakakuha ng ratin­g na 94.00% upang manguna sa secondary level.

Samantala, ang kanyang kasintahan na si Juntilla ay umiskor ng 93.40% para maging top one sa elementary level.

Sila ay parehong nagtapos sa Compostella Valley State College.

Ayon sa Professional Regulation Commission, 8,667 ang pumasa sa sa elementary level ng LET, mula sa 17,149 na kumuha ng licensure exam. Katumbas ito ng 50.54 percent na passing rate.

Samantala, 10,193 ang pumasa sa secondary level mula sa 20,191 na kumuha ng exam, katumbas ng 50.48%.
Pinusuan naman ng mga netizen ang magdyowa sa kanilang couple goals. (Joven Delantar)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on