WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Castro, Tropang Giga umungos sa Hotshots

Mga laro sa Miyerkoles (Smart Araneta Coliseum)
3 pm – SMB vs Meralco
6 pm – Magnolia vs TNT

Isinalpak ni Jayson Castro ang game-winning 3 sa natitirang 2.0 segundo upang itulak ang TNT Tropang sa makapigil-hiningang na 93-92 panalo kontra Magnolia Chicken Timplados tungo sa pagkapit sa 2-1 bentahe sa Game 3 ng best-of-seven semifinals ng 47th Philippine Basketball Association Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City Linggo ng gabi.

Walang alinlangan na pinakawalan ni Castro ang krusyal na tres matapos maagaw ang abante sa Tropang Giga na siyang nagbigay sa importanteng panalo at mangailangan na lamg ng dalawa pa upang makabalik sa pagtatanggol sa korona.

Itinala ni Castro ang 16 pointts, 2 rebounds at 6 asssts habang tumulong si John Paul Erram ng 22 markers, 8 boardds, 1 feed, 3 steals at 2 blocks.

May tig-15 pa sina Mikey Wiliams at Glenn Khobuntin sa balnseng atake ng Tropa.

Unang pinasok ni Andy Mark Barroca ang isang jumper sa natitirang 11 segundo para kapitan ang 92-90 abante ng Magnolia, pero nakawala si Castro upang ipasok ang tres.

Ang iskor:

Unang laro

TNT 93 – Erram 22, Castro 16, M Williams 15, Khobuntin 15, Rosario 8, Pogoy 7, K Williams 7, Montalbo 3, Reyes 0, Alejandro 0, Gauelas-Rosser 0.

Magnolia 92 – Abueva 18, Sangalang 17, Barroca 15, Dionisio 10, Dela Rosa 9, Lee 9, Wong 6, Jalalon 4, Corpuz 2, Laput 2, Escoto 0.

Quarters: 18-24, 47-41, 66-73, 93-92. (Lito Oredo)