WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Bragais, Imus tinitis Tams

Binalikat ni Genmar Bragais ang Imus Bandera Xtreme nang lampasuhin ang Mindoro Tamaraws 104-61 sa OKBet Xtreme 4th Maharlika Pilipinas Basketball League regular season game sa Bren Guiao Convention Center sa City of San Fernando Sabado ng gabi.

Nagtala si Bragais ng 27 points kasama ang 8 rebounds at tig-6 assists at steals upang ilagay sa 3-6 win loss record ang Imus, pangwalo sa South Division.

Lumamang lang ng dalawa ang Tams at agad inagaw ng kalaban ang trangko patungo sa paglayo ng 51 at tuluyang sadsad ng Mindoro sa pampitong dikit at pang-11 o kulelat sa 1-12.

Dehins kinaya ng 14 puntos ni Khen Cosicos na isalba ang Tams sa 22-koponang men’s hoopfest. (Annie Abad)