WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Belen, PH 6 atras-palo

STANDING
TEAM W L
Creamline 2 0
PLDT 2 1
Cignal 1 1
Taipei 0 0
Army-BM 0 3
Mga laro ngayon Lunes (MOA Arena)
2:30 nh – Taipei vs Army-Black Mamba
5:30 nh – Cignal vs Creamline

Dehins na matutuloy ang sapawan nina Alyssa Valdez ng Creamline at Mhicaela Belen ng national team sa 5th Premier Volleyball League Invitational Conference semifinals sa MOA Arena sa Pasay ngayong Lunes.

Sa halip na PH 6, ang pumapangatlong Cignal (1-1) na ang makakalaban ng lider na Cool Smashers (2-0) sa alas-5:30 ng hapong hambalusan, pagkalipas ng alas-2:30 ng hapong komprontasyon ng Taipei King (0-0) Whales at kulelat na Army-Black Mamba (0-3).

Wala na umanong kontrol ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa desisyon ng National University na mayoryang player ang nasa PH squad.

Idinahilan ni Lady Bulldogs team manager Mariano See Diet ang pag-iwas lang sa injury ng mga manlalaro na hahampas sa 7th Asian Volleyball Confederation Cup for Women Sa Agosto 21-29 sa Philsports Arena sa Pasig.

Pero gusto ng ni coach Jorge Edson Souza de Brito ang pagsali ng NU sa PVL na kinontra lang ni Diet. (Gerard Arce)