WebClick Tracer

Monday, October 3, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Barbie pinaligaya mga delivery rider

Dama ni Barbie Imperial ang pagsisikap sa buhay ng mga online food delivery rider. Kaya naman sa latest vlog niya, naisipan niyang i-treat ang mga ito.

Sobra diumano ang kanyang natatanggap na blessings lately kaya it’s time for her to give back.

Tumambay siya sa isang restaurant, um-order ng food mula rito at kunwari ay ipapa-deliver sa kanila. Ang hindi alam ng mga food delivery rider, sila ang makakatanggap ng kung ano ang in-order ni Barbie.

Limang masuwerteng rider ang nabahagian ng libreng pagkain mula sa magandang aktres. Syempre pa, huwag kalimutan ang selfie! Haha!

“Naisip ko lang kasi, sobrang lakas ng ulan ngayon. Minsan sobrang init. Para ‘yung mga riders natin, parang palagi silang nandyan 24/7. Grabe ‘yung serbisyo nila para sa atin,” sabi ni Barbie.

Humanga naman at sumaludo ang kanyang mga fan sa kind gesture na ito ng aktres. Wish nila ay mas lalo pang dumami ang blessings kay Barbie dahil marunong siyang magbahagi nito sa kanyang kapwa. (Batuts Lopez)