WebClick Tracer

Saturday, October 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Baha binabala sa mga lugar na sakop ng Magat, Bustos dam

DAHIL sa patuloy na pag-ulan, nagpakawala ng tubig ang Bustos Dam sa Bulacan nitong Sabado at ang Magat Dam sa Isabela, hapon ng Linggo.

Ayon sa mga nangangasiwa ng Bustos Dam, 226 cubic meters ng tubig kada segundo ang kanilang pinakawalan, at plano pa nilang magpakawala kung patuloy ang pagbuhos ng ulan.

Ang spilling level ng Bustos Dam ay 17.20 meters, at nitong Sabado ay umabot na umano ang water level sa 17.40 meters above sea level.

Pinapayuhan ng mga awtoridad ang mga residente na malapit sa dam na ihanda ang kanilang sarili sa posibleng pagbaha.

Samantala, nagpakawala rin ng tubig ang Magat Dam sa Isabela bandang 2:00 ng hapon nitong Linggo, na may volume pataas ng 200 cubic meters bawat segundo.

Base sa ulat ng mga nangangasiwa, na posibleng taasan pa nila ang pagpapaka¬wala ng tubig sa dam depende sa lakas ng ulan sa lugar. (Dolly Cabreza)