WebClick Tracer

Monday, October 3, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Arci aminadong lasenggera, walwalera

Umaming ‘tomador’, ‘lasenggera’, ‘walwalera’ at ‘matakaw’ si Arci Munoz nang tangkain nitong magsayaw sa IG post para i-promote ang pinakahuling Korean tour vlog niya, sa kanyang YouTube channel.

Pinagsama-sama ni Arci ang clips ng pagsayaw niya sa may pintuan ng hotel, sa laundry area, sa theme park.

“I’m many things but a dancer…This is for you mother! Cos you like that! (dancing) buti na lang magaling ako sa kainan at inuman! More of our recent Korea adventure on my YouTube channel…” sabi niya.

Hindi naman katakataka ang pag-amin ni Arci sa alak at kain dahil sa mga post niya laging tumutoma ito ng wine, beer at kung anu-anong klase ng alak. Mahilig din syang kumain na lagi nyang ibinalandra sa kanyang socmed post. (Rey Pumaloy)