WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

2023 budget target ipasa bago Sept 30

Magsisimula ng maging abala ang Kamara ngayong naorganisa na ang halos lahat ng komite nito.

Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na inaasahan na ang pagsasagawa ng mga pagdinig ng mga komite sa iba’t ibang isyu batay sa mga panukala at resolusyon na ipinadala sa kanila ng plenaryo.

Nagpasalamat si Romualdez sa mga House Deputy Speaker at kina House Majority Leader Mannix Dalipe, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, at iba pang miyembro ng House Committee on Rules sa pagtulong sa pagbuo ng mga komite.

Mula ng magbukas ang sesyon noong Hulyo 25 ay nasa 2,877 panukala na ang nai-refer sa iba’t ibang komite.

Inaasahang aaprubahan ng Kamara ang budget sa ikatlo at huling pagbasa bago ang pagsasara ng sesyon sa Setyembre 30. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on