WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

10 vintage bomb nahukay sa construction site

Nabulaga ang mga trabahador sa isang construction site matapos silang makadiskubre ng 10 vintage bomb sa hinuhukay nilang lote sa San Jose del Monte (SJDM), Bulacan.

Ayon sa SJDM police, itinawag sa kanila ang pagkakadiskubre sa mga lumang bomba sa 642 Carriedo St., Barangay Muzon bandang alas-9:10 ng umaga nitong Biyernes.

Pinangunahan naman ni P/SMS. Wilson Cagado ng Bulacan Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit (PECU) ang pagkuha sa mga World War II bomb.

Samantala, sinabi ni Cagado na hindi sasabog ang mga lumang bomba kung hindi naman nagalaw ang mga ito.