WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante KARTADA

Pinsan ‘ghost employee’ ng senador

Sino raw itong miyembro ng Upper House na may pinapasuweldong kamag-anak pero hindi naman nagtatrabaho sa kapulungan?

Naibulong ng isang Marites kay Mang Teban na itong pinsan ng senador, kabilang sa 15/30 employee ng mambabatas.

Hindi mo siya makikitang nagtatrabaho sa Senado dahil tambay lang ito sa kanilang bahay.

Pero kada suweldo, paldo ang bulsa ng tambay na ito lalo na kung Pasko dahil kasama rin siya sa kumukubra ng P100K Christmas bonus. Saan ka pa!

Ganito raw magmahal ang senador sa kanyang mga kamag-anak kaya kahit walang ginagawa at tambay lang sa bahay, may biyayang natatanggap courtesy ng taxpayers money.

Pintahan nyo na. Ang senador ay kilalang kuripot kahit na maraming raket noong malapit pa ito sa kusina ng Malacañang.