WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Makulit sa walwalan, tinarakan ng kainuman

Arestado ang isang tindero ng mani makaaang ataduhin niya ng saksak hanggang sa mapatay ang kanyang kainuman dahil lang umano sa kakulitan nito noong Biyernes sa Valenzuela City.

Ayon kay P/Lt. Robin Santos, hepe ng Station Investigation Unit ng Valenzuela City Police, positibong kinilala ang suspek na si Jonel Eraban, 20, binata, residente ng Brgy. Karuhatan ng nasabing lungsod, ng isang tinedyer na nakasaksi sa pananaksak niya sa biktimang si alyas ‘Bonnie’.

Tumakas ang suspek pagkatapos niyang tarakan ng ilang ulit sa katawan ang biktima sa kanilang inuman bandang alas-3:00 ng mada¬ling-araw pero nasakote rin ito bandang alas-10:00 ng umaga sa kanyang bahay.

Inamin ng suspek na sinaksak niya ang biktima dahil naburyong na umano siya sa kakulitan nito habang nag-iinuman sila. (Orly Barcala)