WebClick Tracer

Monday, October 3, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante VISAYAS / MINDANAO

Empleyado ng Visayas State U, tiklo sa 700K shabu

Tiklo ang isang empleyado ng Visayas State University (VSU) matapos itong makumpiskahan ng mahigit P700,000 halaga ng umano’y shabu sa isang buy-bust operation sa Baybay City, Leyte noong Biyernes.

Ayon sa pulisya, kabilang ang suspek na si Soliver Gumaod, 37-anyos, residente ng Brgy. Sabang, Baybay City at administrative aide ng VSU, sa listahan ng high-value individual (HVI) sa operasyon ng iligal na droga sa Police Regional Office 8.

Sinabi ni Police Major J-Rale Paalisbo, hepe ng Leyte Provincial Drug Enforcement Unit, na dinakip si Gumaod nang makaiskor sa kanya ang kanilang police poseur-buyer ng shabu sa loob mismo ng VSU Lower Campus.

Nakumpiska sa kanya ang mahigit 30 pang sachet ng umano’y shabu na may timbang ng 100 gramo. Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article 2 ng Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.