WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante VISAYAS / MINDANAO

4 Koreano timbog sa ilegal na POGO

Arestado ang apat na Koreano matapos salakayin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kanilang condominium unit na sentro umano ng kanilang ilegal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Kinilala ang mga suspek na sina Kang Tae-wong, 42-anyos, ng Gwangju, South Korea; Jung Ho-won, 41; Kim Dae-hyeon, 36; at Park Ji-sung, 40.

Sa bisa ng inisyung search warrant ni Cebu City Regional Trial Court Branch 11 Judge Ramon Daomilas, sinalakay ng CIDG-Lapu-Lapu City ang unit ng mga suspek sa isang gusali sa Brgy. Lahug ng nasabing lungsod nitong Biyernes. Nagresulta ito sa pagkasamsam ng mga ginagamit nilang mga computer set, cellphone, one-time password generator, Wi-Fi router, SIM card, universal serial bus flash drive at iba pang electronic device.

Ayon kay Police Capt. Nigel Sanoy, hepe ng CIDG-Lapu-Lapu City Field Unit, nagpapatakbo ng online gaming at dating site ang mga suspek bilang platform ng ilegal nilang gawain simula noong 2019.

Inakala aniya ng mga suspek na maluwag sa Cebu at dedma lang sa cyber security kaya ito ang ginawa nilang sentro ng ilegal nilang operasyon.

Kakasuhan ang mga ito ng paglabag sa Republic Act (RA) 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998 as amended by RA 11449.