WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante VISAYAS / MINDANAO

P2.1M puslit na yosi tinago sa sardinas

Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang may P2.1 milyon puslit na sigarilyo habang isinasakay sa isang wing van truck mula sa MV Lite Ferry 17 na nagmula sa Dapitan Port sa Zamboanga del Norte hanggang sa Mainit Port sa Oslob, Cebu noong Agosto 1.

Sa imbestigasyon ng PCG ang mga puslit na sigarilyo ay mula sa Malaysia.

Ayon sa PCG Sub-Station Oslob at PCG Intelligence Group-Central Visayas, nakadeklara ang mga puslit na sigarilyo na canned goods.

Ang mga sigarilyo ay inilagay sa loob ng kahon ng sardinas.

Itinurn-over ng PCG ang kontrabando sa BOC-7 para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, pinayagan naman ng PCG ang inarkilang driver at van truck na makabalik sa Zamboanga del Norte.

Nalaman na ang PCG ay aktibong nakikipag-ugnayan sa BOC sa pagpapatupad ng maritime laws at sa pagsugpo ng smuggling sa mga pantalan. (Juliet de Loza-Cudia)