WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Easy Landing malakas benta

MARKADO ng mga liyamadista si Easy Landing sa magaganap na Philracom Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas ngayong hapon.

Sasakyan ni jockey MB Pilapil, makakalaban ni Easy Landing sina Asik Asik Falls, Centaurus, Batang Madrid, Phenom, Classy Babe at Manila Boy sa 1,200-meter race.

Ayon sa komento ng mga karerista ay puwedeng i-single bet si Easy Landing sa Winner Take All kaya inaasahang patok sa takilya ang nasabing kabayo.

“Mahusay naman si Easy Landing kaya pwede na siyang i-single sa WTA natin,” ani Allan Arevalo, veteran karerista.

May nakalaan na P15,000 added prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.

Ibubulsa ng mananalong horse owner ang karagdagang premyo na P5,000.

Samantala, siyam na karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong hapon kaya tiyak na masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang. (Elech Dawa)