WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante KARTADA

2 senador nagkatampuhan dahil sa inidoro

May namumuong tensyon daw sa pagitan ng dalawang miyembro ng Senado. At ang ugat ng away, dahil sa isang paboritong inidoro ng senador.

Noong mawala kasi itong senador, ipinagamit niya ang kanyang kuwarto sa bagitong senador noon.

Makalipas ang ilang taon, bumalik ang senador para muling okupahan ang dating kuwarto pero laking gulat nito dahil nagbago na ang hitsura nito at nawala na rin ang paborito niyang inidoro.

Nawala rin umano ang flooring na tiles bagkus ay pinalitan ng black canvass.

Nainsulto raw itong balikbayang senador sa ginawang pambababoy sa dati niyang opisina kaya ang kanyang ginawa ay isinailalim ito ng malawakang renovation.

Itong balikbayang senador, sa common comfort room tuloy jumijingle dahil sa pagkawala ng paboritong inidoro.

Pintahan n’yo na. Ang balikbayang senador ay dating nanilbihan sa kanilang lalawigan bago bumalik sa Senado. Gets n’yo na?