WebClick Tracer

Friday, October 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante VISAYAS / MINDANAO

Rebeldeng doktor, 2 pa sumurender sa gobyerno

Tatlong miyembro ng komunistang News People’s Army (NPA), isa rito ay manggagamot, ang sumuko at nagbalik-loob sa gobyerno sa Sultan Kudarat nitong Miyerkoles.

Kinilala ni Lt. Col. Allen Van Estrera, commanding officer ng 37th Infantry Batatalion (IB) ng Philippine Army (PA) ang mga sumukong bandido na sina NPA platoon leader Hadji Jok Marianing, 37-anyos at mga tagasunod na sina Joker, 24-anyos at Leslie, 25-anyos na siyang medic ng dati nilang kinaaniban na East Daguma Front ng NPA na nag-o-operate sa Central Mindanao.

Isinoli ng tatlo ang M16 rifle at isang .45-caliber pistol na gamit nila sa pakikipagbakbakan sa bundok.

Sinabi ni Estrera na bukod sa pagbulag sa kanilang isipan, kakulangan ng suporta mula sa kanilang mga lider ang isa sa mga nagtulak sa tatlong rebelde para talikuran ang kanilang grupo at lumahok sa peace and reconciliation program ng pamahalaan. Inihahanda na aniya ang mga ito para sumailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno.