WebClick Tracer

Monday, October 3, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante VISAYAS / MINDANAO

Magnitude 5.6 yumanig sa Davao Oriental

NIYANIG ng magnitude 5.6 na lindol ang Davao Oriental kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa report ng Phivolcs, ang nasabing lindol ay tectonic at tumama sa 51 km. southeast ng munisipalidad ng Manay alas-3:19 ng umaga. Sinasabing may lalim itong 20 kilometro.

Sinabi ng Phivolcs na ramdam ang intensity IV sa Manay, Tarragona, at Caraga, Davao Oriental habang intensity III sa Mati City at sa Baganga, Davao Oriental.

Intensity I naman sa Davao City. (Kiko Cueto)