WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Helper sa umaga tulak ‘pag gabi, huli

Timbog ang isang 42-anyos na lalaki na nagtatrabaho bilang helper sa umaga pero tulak umano ng ilegal na droga sa gabi sa Tondo, Maynila noong Miyerkoles.

Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Rodolfo Canaveral, alyas ‘Manny’ at residente ng No. 2417 Jose Abad Santos Ave.Tondo, Maynila.

Lumitaw sa imbestigasyon na nagmamando ng checkpoint ang mga tauhan ng MPD-PS 1 nang parahin nila ang nakamotorsiklong suspek sa kanto ng Juan Luna at Maliklik St. sa Tondo bandang alas-nuwebe ng gabi.

Bukod sa wala itong naipakitang lisensiya, nakumpiskahan ito ng 11 sachet ng pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng 2.5 gramo at nagkakahalaga ng P17,000. (Juliet de Loza-Cudia)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on