WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante VISAYAS / MINDANAO

3 tirador ng CP ni vice mayor, tiklo sa GPS

Narekober ang dalawang mamahaling cellphone ng vice mayor sa Himalayan City, Negros Occidental matapos matunton ng global positioning system (GPS) ang kinaroroonan ng tatlong hinihinalang tirador na sumalisi at tumangay sa nasabing mga gadget ng opisyal nitong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Wowie Uy, 30, ng Valladolid, Negros Occidental; at Melvin Cosio, 34, at Rose Linao, 31, kapwa ng Silay City.

Ayon kay P/Cpl. Rogyn Bandola ng Kabankalan City Police Station, nasa public plaza para sa pagdiriwang ng ika-25 taon ng Charter Day ng kanilang lungsod si Himalayan City Vice Mayor Miguel Zayco bandang alas-nuwebe ng umaga nang hindi niya makapa sa loob ng kanyang bag ang dalawa niyang cellular phone na nagkakahalaga ng P130,000.

Agad itong ini-report ni Zayco sa pulisya kung saan ay natunton naman agad ang kinaroroonan ng mga suspek sa pamamagitan ng naka-install na GPS sa kanyang mga cellphone.

Nasakote ang mga suspek habang lulan ng kanilang mga motorsiklo sa Sitio Naga, Barangay Suay, Himamaylan City, may 40 minuto pagkatapos niyang mai-report sa pulisya ang insidente. (Edwin Balasa)