WebClick Tracer

Saturday, October 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
OPINION

‘Protektahan natin sila’

LUNAS

Hitik sa mga plano at LUNAS sa mga problemang kinakaharap ngayon ng bansa ang unang State-of-the-Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Hindi siya nagpatumpik-tumpik pa o dinaan sa drama ang kanyang talumpati. Sa halip ay tinuon niya ang pansin sa mga dapat gawin ng gobyerno para sumigla pa lalo ang ekonomiya at makabangon tayo ng ligtas mula sa pandemya.

Maraming planong nilahad si PBBM sa kanyang SONA, pero may isang tumatak sa isipan natin: Ang kanyang pagbibigay pansin sa kalagayan ng mga nasa “creative industry,” tulad ng mga nagtatrabaho sa larangan ng telebisyon, musika, sining at teatro.Sa gitna ng mga lockdowns, sila mga unang nawalan ng trabaho at kita.

Ang kapakanan ng mga miyembro ng creative industry, kasama na ang iba pang nasa “no-work, no-pay” sector ang matagal ng pinaglalaban ng LUNAS Partylist.

Ayon kay PBBM, totoong “world-class” ang pagiging malikhain ng Pilipino sa larangan ng sining, kultura, new media at maging mga live events na siyang nakakapagbigay ng maraming trabaho sa mga talented nating mga kababayan. “Unfortunately, ang mga hanapbuhay na ito ang unang pinadapa ng pandemya at ang pinakahuli namang makakabalik sa normal,” dagdag pa ng Pangulo sa kanyang SONA.

Tulad ng ating pinaglalaban, binanggit ng Pangulong BBM na kailangang pagtuunan ng pansin ang working conditions, working hours at intellectual property rights ng mga nasa creative industry.

Ang mga nasa creative industry ang “nagbibigay ng kaluluwa at pagkakilanlan sa ating pagka-Pilipino. Protektahan natin sila,” ang sabi ng Pangulo.

Nangako si PBBM na hindi niya pababayaan ang mga nasa freelancers sa creative industry.

Magandang balita ito para sa LUNAS Partylist na nabuo noon dahil sa paghihikayat ng ating mga kaibigan sa music industry na magkaroon ng boses at representasyon hindi lamang ang mga miyembro nila, kundi lahat ng “no-work, no-pay” na mga manggagawa.

Milyun-milyong mga Pilipino ang mga freelancers o mga “no-work, no-pay” sa ating bansa. Hindi lamang sila nasa creative industry. Marami sa kanila ay mga nagtatrabaho sa tourism industry, sa mga salon at spa, at maging sa courier and delivery services industry.

Kung matutupad ang plano ng Pangulo na palakasin pa ang programa sa pagbibigay ng ayuda sa panahon ng krisis para maisama pati ang mga “no-work, no-pay,” malaking tulong ito para sa kanila. Hindi lang naman kapag may pandemya sila nawawalan ng kita. Kapag may mga kalamidad o iba pang emergency, kadalasan ay una silang natitigil sa trabaho at nawawalan ng kita.

Sana ay hindi magtapos sa pagbibigay ng ayuda ang pangangalaga sa kapakanan ng mga “no-work, no-pay” workers. Makapagpasa rin sana ng mga batas na magtitiyak na sila ay mabibigyan ng sapat na kita at mababayaran sa takdang panahon, may maayos at ligtas na working conditions, at may mga benepisyo.

Umaasa tayo na sa ilalim ng administrasyon ni PBBM, ang mga problema ng mga “no-work, no-pay” workers ay mabibigyan na ng LUNAS.