WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante VISAYAS / MINDANAO

Pumatay sa anak ng alkalde, tauhan timbog

Arestado ang isang dating rebelde ng New People’s Army (NPA) dahil sa pagpatay umano sa anak ni Cagayan de Oro Mayor Rolando Uy at tauhan ng kanilang pamilya noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Dinakip ang suspek na si Edgardo Gaabucayan, 59-anyos sa bisa ng warant of arrest sa kasong double murder sa bahay niya sa Sitio Tapuk-Tapok, Purok 6, Barangay Cabasagan sa Lala, Lanao del Norte nitong Sabado.

Inakusahan si Gaabucayan ng pagpatay kina Roland Sherwin Uy, 45-anyos, anak ni Cagayan de Oro City Mayor Rolando Uy na ikinadamay ni Samuel Pabalan noong Nobyembre 11, 2021.

Personal na alitan ang motibo umano ng krimen. Nakaditine ang suspek sa Maharlika Detention Facility sa bayan ng Lala sa Lanao del Norte.

Dati umanong miyembro ng NPA Special Partisan Unit ang suspek sa Sindangan, Zamboanga del Norte. Kagawad ng Barangay Carmen si Uy nang mangyari ang krimen habang caretaker si Pabalan sa gravel and sand business ng pamilya Uy sa Barangay Pagatpat. (Edwin Balasa)